‘Sick Election System’ by Nerio Cloma

There is no one to blame for whatever kind of elections system that we have...but tayo rin po...

there's no point of writing something about how sick our election system is...every one knows about it. My point here is that NOT everyone believes that WE CAN STILL MAKE CHANGES! Dun tayo mag-start working, sharing to the masses, sa mga kwentuhan sa kanto, sa tambayan ng bayan, sa pinag-tutong-itan ng mga tambay, etc. Kahit saan tayo mapunta at sitwasyon malagay, kailangan na palagi nating ini-aangat sa lahat na MAY PAG-ASA pa kung gagawin natin NGAYON!

We should dwell on whatever good things we can think about and work out. Walang batas na nagbabawal gawin yun. Lets NOT magnify the negative side of every situation...only to analyze and come out with resolves...pwede yun.

Its a matter of how we look at a half-filled glass of water...HALF-FILLED or HALF-EMPTY?

Ang dami nating nagsusulat na nagsasabi na tayo ang mga nag-iisip na portion ng society...PERO WALA NAMAN GAWA!

tuloy, ang mga naglalakas ng loob na gumawa e yung extremists..either LEFTIST  or RIGHTIST. Tapos iemail tayo, sisisihin natin na sobra na silang mga Corysta, Coup plotters, Erap boys, mga party-list reps, etc.

sobra na rin tayong natutulog...

Advertisements

Slashin’ bag

I’d like to warn everybody of those na nangsaslash ng bags sa jeep. Last night po while i was on my way home, meron po ako nakasabay sa jeep na na-slashan po ng bag and nakita ko po mismo ung pag-slash. I was super guilty po na i wasnt able to inform the victim about it. Natutulog po kasi siya and he happens to sit sa tapat ko. Nung una po napansin ko ung culprit na super restless siya and palipat-lipat po siya ng upo. He even sat beside me and napansin ko po na he was about to do the same sa bag ko kaya i moved my bag away from him. Nakita ko po mismo ung kamay niya na tnatakpan nung malaking backpack na dala niya. Halata po na walang laman ung dala niyang backpack and meron po cyang hawak na dalawang tag 1piso coins sa kamay. Between those coins na hawak niya, meron po blade. Nung napansin po niya na nakita ko ung ginagawa niya, lumipat po sya ng upo and tumabi po siya dun sa nakaupo sa harap ko na natutulog. He did the same thing: nilagay niya ung backpack sa lap niya, ung other
hand nakahawak sa may hawakan ng jeep and ung other hand nasa ilalim ng backpack and ngstart na siyang hiwain ung bag nung victim. sa akin po siya tumitingin while he was doing that kasi alam niya na alam ko ung ginagawa niya. nahulog po ung cellphone nung victim sa floor ng jeep kaya nagising po siya and after that nagmadaling bumaba po ung culprit. I told the victim na i-check ung bag niya kasi i saw what happened. Nakuha po nung culprit ung isang coin purse niya na meron laman na mga coins and his keys sa boarding house niya. Ung culprit po ay nakapolo, and slacks and you can never tell sa porma niya na nangsaslash po cya ng bag, Sir Boogie, meron po ba tayo magagawa about incidents like this? I mean pwede po ba ireport ung mga ganitong pangyayari sa police? and meron po kayang magagawa ang police? I can identify the culprit if makikita ko po cya uli and i can describe him.

This is a lesson that i’d like to share with everyone in the group. Konting ingat lang po if ever magcocommute po tayo. You’ll never know na bad guy na pala ung katabi niyo. Ingatan po natin mga gamit natin and iwasan po matulog sa jeep.